Davao Boxer, Bagong Kampeon ng Super Flyweight

 

Ni: Marites Badilla

 

NAGWAGI si southpaw boxer Jerwin Ancajas sa super fly weight division ng International Boxing Federation (IBF) nitong Sabado sa Taguig City.

Tinalo ni Ancajas si McJoe Arroyo ng Puerto Rico sa pamamagitan ng “unanimous decision.”

Si Ancajas ng Davao del Norte ang pinakabagong boksingerong Pilipino na pasok sa international boxing world.

Si Ancajas ang ika-6 na Pilipino na kampeon sa boksing kasunod nina Manny Pacquiao, Nonito Donaire, Donnie Nietes, Johnriel Casimero, at Marlon Tapales.

Inaasahang malayo ang mararating sa boksing ng 24-taong-gulang na boksingero dahil sa kanyang “lakas” at “skill” sa pakikipagsuntukan.

Ang kanyang lakas at boxing skills kung bakit naging dominante siya sa buong 12-round na kumumbinsi sa mga judge na siya ang dapat na manalo sa laban nila ni Arroyo.

Ipinamalas ni Ancajas ang lakas ng kanyang mga suntok, kombinasyon ng mga suntok, kontra suntok sa kalaban, bilis ng kilos at isipan.

Napabagsak pa ni Ancajas si Arroyo sa round 8 dahil sa kombinasyon ng maraming suntok at kontra-suntok.

Pagkatapos nito ay nakalaban pa hanggang round 12, ngunit hindi natalo si Ancajas.

Ang pagkatalo ni Arroyo ay siyang una niya sa 17 propesyunal na laban.

Ang rekord ngayon ni Ancajas ay 25-1-1, kasama ang 16 na boksingerong napabagsak sa laban, samantalang si Arroyo ay 17-1, na may walong boksingero ang napabagsak.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like