Dating Miss World franchisee naiwasan ang bypass operation dahil sa red wine

Nakaiwas sa isang bypass operation ang isang retiradong hotelier at former Miss World Philippines franchisee noong 2012 dahil sa pag-inom ng red wine.

Si Leandro “Biboy” Enriquez, 76, dating may ari ng Sulo Hotel sa Quezon City at co-founder ng Miss Asia Pacific, ay na-diagnose na may congested arteries sa Mount Elizabeth Hospital sa Singapore noong 2009.

Sa payo ni Dr. Lim Yean Teng, cardiologist sa nabanggit na pagamutan, sasailalim si Enriquez sa isang bypass surgery pagkatapos ng tatlong buwan.

Nagtaka si Enriquez dahil health-conscious naman s’yang indibidwal. Katunayan, regular ang kan’yang ehersisyo sa gym at madalas ring mag-yoga.

Bigla n’ya tuloy naalala ang kwento ng nasirang Biliran Rep. Gerry Espina, Sr. na naging malapit na kaibigan.

Alam n’yang hindi ito umiinom. Ngunit isang araw ay nakita n’ya ito sa Sulo Hotel, umiinom ng red wine. Nalaman n’yang napilitan lang itong tumungga.

Sa kwento nito sa kanya nalaman ni Enriquez na umiinom ito ng red wine dahil may kaibigan itong naiwasan ang isang bypass surgery na nakatakda sa US dahil sa pag-inom nito ng red wine.

Sa payo ng isang Amerikanong cardiologist, uminom ng red wine ang kaibigan ni Espina, dalawa hanggang tatlong baso sa isang araw sa loob ng tatlong buwan, habang hinihintay ang araw ng operasyon.

Nang suriin ito ng Amerikanong doktor bago ang nakatakdang operasyon, nasorpresa ito nang sabihin sa kanya ng doktor umigi ang kanyang kundisyon, at hindi na s’ya kailangang operahan.

Mismong si Espina ay umigi din ang kundisyon dahil sa pag-inom ng red wine.

Simula noon, uminom na rin ng red wine si Enriquez tuwing tanghalian at hapunan habang naghihintay sa araw ng kanyang operasyon.

Nang muli s’yang sinuri sa Singapore, nakita ng kanyang doktor na lumuwag ang kanyang arteries. Nagulat ang manggagamot at pinayuhan s’yang ipagpatuloy ang red wine habang hinihintay ang susunod na pagsusuring medikal.

Ipinagpatuloy ito ni Enriquez. Pagkatapos ng tatlong buwan, muli s’yang bumalik sa Singapore para patingnan ang kan’yang pisikal na kalagayan.

Matapos s’yang eksaminin ibinalita sa kan’ya ng doktor na hindi na n’ya kailangan ang isang cardiologist. Maluwag at normal na ang kundisyon ng kanyang arteries.

Naibahagi ni Enriquez sa mga kaibigang may parehong medikal na kundisyon ang naitulong sa kanya ng red wine.

Isa ang asawa ng kapwa n’yang sabungerong si Lance dela Torre ng Negros Occidental, na nakaiwas din sa isang bypass operation dahil sa pag-inom ng red wine.

Pangalawa si Joe Alimbuyugin, isa ring sabungero, mula sa Pampanga na nakatakda rin sanang sumailalim sa parehong operation.

Retirado at kumpyansang aabot sa 100 taong gulang, si Enriquez, nagdala ng Playboy Club sa Pilipinas, ay masaya kasama ang libong sasabungin sa kanyang 25 ektaryang bukid sa Tanay, Rizal. (William Rodriguez)

Nasa larawan si Leandro “Biboy” Enriquez, two-time World Slasher Cup champion, kasama si Ramil Espinar, isang tagahanga mula sa Sorsogon, sa Firebird Farm sa Tanay, Rizal. (Oliver Samson)

You May Also Like