Dating Konsehal, Patay sa Drug Operation

 

Ni: Denz Laguipo

 

NAMATAY ang isang dating konsehal nang lumaban sa mga pulis sa isinagawang operasyon ng pulisya ngayong Martes ng umaga sa Pikit, North Cotabato.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Crame, pambansang himpilan ng Philippine National Police (PNP), tinukoy na ang namatay ay si Dindo Piang.

Si Piang ay lumaban nang maghain ng search warrant ang

PNP-12 Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task Force (RAIDSTF) sa kanyang bahay bandang 4:00 ng umaga.

Ayon kay Supt. Maximo Sebastian, hepe ng RAIDSTF, nakuha ng kanyang tropa ang kalibre 45 na ginamit ni Piang sa pakikipagbarilan sa mga kasapi ng RAIDSTF.

Pinuntahan din ng mga tauhan ni Sebastian ang Nasser Karim, anak ni Senior Inspector Sindatu Karim, pangalawang hepe ng PNP ng bayan ng Pikit.

Ayon sa ulat, buhay si Karim dahil hindi siya lumaban sa mga miyembro ng RAIDSTF.

Nakuha sa bahay ni Karim ang isang kalibre 60.

Nadiskubre na ang nasabing machine gun ay hindi pag-aari ni Karim, kundi baril na inisyu ng PNP sa isa sa 44 pulis ng Special Action Force (SAF) na namatay sa engkuwentrong naganap sa pagitan ng mga pulis at mga kaaway ng pamahalaan noon Enero 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like