DAR Namahagi ng P9.5-M sa mga Magsasaka

HULING araw na ng kasalukuyang pamunuan ng Department of Agrarian Reform (DAR), ngunit itinuloy pa rin ang pamamahagi ng P9.58 milyong halaga ng mga proyektong pangkabuhayan para sa Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa ibat-ibang lalawigan sa ikalawang rehiyon ng bansa.
 
Sinabi ni regional director ng DAR-2 na si Atty. Marjorie P. Ayson, kabilang sa mga proyektong pinonduhan ay ang “fish processing center” sa lalawigan ng Batanes.
 
Magtatayo rin ng vermi-culture production business, pagaalaga ng kambing, native na baboy, native na manok, at iba pang pangkabuhayan sa mga bayan ng Sta.Ana, Cattaran, Rizal at Baggao, Cagayan, saad ni Ayson.
 
Idiniin din ng opisyal na ang layunin ng mga proyekto ay upang tulungan ang bawat miyembro ARBOs at maibaba ang kahirapan sa mga nabanggit na lugar.

Maging ang mga bayan ng Cabagan, Gamu, Cabanatuan, at Quirino sa Cagayan ay tiyak ding bibigyan ng mga proyekto, patuloy niya.
 
Ipinaliwanag ni Ayson na ang mga proyetko ay magmumula sa Agrarian Reform Community Connectivity and Economic Support Services (ARRCESS) ng DAR. (Joel O. Amongo)

 

Propellerads

You May Also Like