DAR, Iimbestigahan 5 Biktima ng ‘Salvaging’

Sec. RAFAEL MARIANO
Sec. RAFAEL MARIANO

Ni: Boy Celario

 

NAGBUO ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng fact-finding body upang imbestigahan ang ‘salvaging’ na dinanas ng limang magsasaka sa Nueva Ecija at Isabela nitong nakalipas na araw.

Ang bubuo ng komite ay sina Usec. Luis Meinrado Pangulayan (pinuno), Asec. Elmer Distor (pangalawang pinuno), Atty. Jun-Jun Malsi (mula sa taanggapan ni Sec. Rafael Mariano), at dalawa pang hindi agad binanggit ng DAR ang mga pangalan.

Ang mga pinatay sa Nueva Ecija noong Sabado ay sina Baby Mercado, Violeta Mercado, Eligio Barbado, at Gaudencio Bagalay.

Si Ariel Diaz naman ang tinadtad ng bala sa Isabela nitong Miyerkules.

Gustong malaman ni Mariano kung ang pagpaslang sa lima ay may kinalaman sa repormang agraryo, o wala, kaya siya nagpasyang magbuo ng fact-finding body.

Hangad ng kalihim na mabigyan ng katarungan ang karumal-dumal na salvaging na ginawa sa lima.

Umaasa si Mariano na mayroong kahihinatnan ang imbestigasyon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like