Dapat Higit na Maging Makamasa ang ASEAN—Taguiwalo

 

Ni: Roy Bersales

 

ANG Pilipinas ang mamumuno ng ASEAN Socio-Cultural Community (ASCC) sa susunod na taon, isang magandang pagkakataon upang maging “higit na maging makamasa” ang nasabing organisasyon, banggit ni Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo.

Binanggit ni Taguiwalo ang kanyang ideya sa mga representante ng mga bansang kasapi sa ASCC nitong Agosto 30 kung saan naganap ang ika-16 ASCC Council Meeting sa Vientiane, Lao PDR.

Si Taguiwalo ay naging, guro sa Unibersidad ng Pilipinas, mananaliksik, at aktibista bago italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa nasabing pulong, idiniin ni Taguiwalo na ang ASEAN ay dapat maging “more people-oriented, people-centered.”

Ayon kay Taguiwalo, pangunahing adyenda ng kasalukuyang administrasyon sa ASEAN ay ang “pagpapaigting ng mga aktibidad tungo sa pagkakamit ng pro-people oriented at pro-people centered na ASEAN.”

Upang matiyak ang planong ito ng DSWD, binanggit rin ng kalihim sa mga kasapi ng ika-16 na ASCC ang mga gabay at isyu na dapat paghandaan at talakayin tulad ng pagtitiyak sa pagkilala, pagpapalaganap, at proteksiyon sa mga  karapatan ng mga migranteng manggagawa, kababaihan, mga bata, may kapansanan, matatanda, katutubo, at iba pa.

Maging ang pagpapalakas ng kultura ng mga bansang nakapaloob sa ASEAN ay dapat ding isama, patuloy ni Taguiwalo.

Ang ASEAN ay itinatag noong Agosto 1967.

Ang mga kasapi nito ay

Indonesia, Malaysia, Philippines, Singapore, Thailand, Brunei Darussalam, Vietnam, Laos, Myanmar, at  Cambodia.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like