Dalawampu patay dahil sa buhawi

BANGLADESH—Isang buhawi ang tumama sa timog-kanlurang bahagi ng Bangladeshi capital ng Dhaka, kung saan nag-iwan ng halos dalawampung kataong patay, sirang mga bahay at putol na mga puno at walang kuryente sa malaking bahagi ng nasabing lugar.

Maaring tumaas ang bilang ng nasawi matapos na mag-iwan ang buhawi ng 300 sugatan kung saan mahigit 500 kabahayan ang nasira.

Isa sa mga nasira ang kulungan ng Brahmanbaria kung saan isang guwardiya ang patay matapos gumuho ang naturang gusali, pero sinabi ng mga opisyal na walang ni isang bilanggo ang nakatakas at namatay.

You May Also Like