Dagat Pasipiko pwedeng pagkunan ng kuryente

 

 

Ni: Joel O. Amongo
 
TINIYAK ng isang environmental group na maaaring maging “source” ng kuryente ang napakalawak na dagat Pasipiko.
 
Sabi pa ni Naderev “Yeb” Sano, opisyal ng Greenpeace, ang totoo’y sobra-sobra pa ang makukuhang kuryente ng bansa mula sa dagat Pasipiko.
 
Ani Sano, kapag nadebelop ang tinatawag na “ocean energy” ay pihadong sobra-sobra ang maisusuplay nito kumpara sa pangangailangan ng kuryente ng buong bansa.
 
Masusuplayan ng ocean energy ang buong bansa ng pitong beses higit sa pangangailangan ng bansa na magmumula sa wave power nito at thermal energy mula sa lalim ng dagat, paliwanag ni Sano.
 
Aniya, “malaki-laki lang ang kakailanganin na investment dahil  hindi pa develop ang technology.”
 
“Parang cellpone lang yan, ang 3210 dati ay nagkakahalaga pa ng P10,000 noong unang labas pero ngayon napakamura na nito dahil develop na ang technology,” patuloy ni Sano.
  
Inihalimbawa ni Sano ang mga bansa sa Europa tulad ng Norway, Ireland at Hawaii ng  Estados Unidos na ginawang source ng kuryente nila ang dagat Pasipiko.
 
Aniya, ang Pilipinas ay nangangailangan ng 500 megawatts ng kuryente para masuplayan ang bansa hanggang taong 2020.
 
Ang Pilipinas ay siyang may pinakamataas na singil ng  kuryente sa Asya.
 
Pero, ang kumikita nang husto ay ang mga dambuhalang kumpanya ng kuryente kaysa buwis na pumapasok sa kabang- yaman ng pamahalaan.
 
Pero tiniyak ng opisyal ng Greenpeace na napakalaki ng ibababa sa singil ng kiryente kada buwan kung kukunin ito sa dagat Pasipiko.
 
Kung mananatiling nakaasa ang mga residente sa Metro Manila at karatig lugar sa kuryenteng galing sa mga pribadong kumpanya ay tiyak mataas ang babayaran nila kada buwan.

You May Also Like