Daan-daang lungsod, nagkaisa laban sa pagkasira ng kalikasan

Nagbuo ng alyansa ang 7,100 lungsod mula sa 119 bansang matatagpuan sa anim na kontinente upang pangalagaan ang kalikasan sa buong mundo laban sa pagbabago ng klima (climate change).

Nabatid ng Tapat News na hangad din ng Global Covenant of Mayors for Climate and Energy (GCMCE) na labanan ang lahat ng bagay na patuloy na makasisira sa kalikasan saan mang panig ng mundo.

Ayon sa GCMCE, kailangang-kailangan nang gumawa ng kolektibong desisyon at aksiyon ang mga lungsod sa daigdig upang pabagalin ang kilos ng “global warming.”

Matatandaang idiniin sa maraming pag-aaral ng iba’t ibang organisasyon na patuloy na lumalala ang “global warming” na kung hindi mapapabagal ang kilos nito, kung hindi man tuluyang masawata, ay posibleng mas maraming pinsala ang ibuga nito sa lahat ng panig ng mundo.

Ang pagkasira ng kalikasan ay resulta ng hindi pagpapahalaga ng mga mamamayan sa mundo at mga dating namumuno sa iba’t ibang pamahalaan ng pandaigdigang pamayanan, banggit pa sa mga pag-aaral.

Ang GCMCE ay nabuo nitong Miyerkules.

Binuo ang GCMCE, sapagkat naaalarma na ang mga mamamayan sa daigdig hinggil sa tinatayang 75 porsiyentong carbon emissions na ambag nito sa mabilis na pagbabago ng klima at paggamit ng 70 porsiyentong global energy na binanggit sa pinakabagong pag-aaral ng United Nations Environment Programme.

Sabi nga ni Maros Sefcovic, ang European Commission vice-president at co-chairman ng GCMCE, “When mayors share a vision of a low-carbon future and roll up their sleeves, things get done.”

This is a giant step forward in the work of achieving the goals that nations agreed to,” diin naman ni Michael Bloomberg, dating alkalde ng New York City at isang pilantropo.

You May Also Like