Customs collector, dinismis ng Ombudsman

MISAMIS ORIENTAL–Ipinag-utos ng tanggapan ng Ombudsman ang pag-dismis sa isang kolektor ng Bureau of Customs (BOC) sa Mindanao Container Terminal Phividec sa Tagoloan, Misamis Oriental dahil sa hindi maipaliwanag na yaman at hindi pagsasama sa kanyang SALN ang pag-aari ng lupain sa Davao City.

Sa siyam na pahinang kautusan, napatunayan ng Ombudsman na si Customs Collector IV Lowell Lomuljo Medija ay guilty sa kasong ‘gross neglect of duty and seriousdishonesty’ kaya’t bukod sa pagkaka-dismis nito sa trabaho ay kanselado na angkanyang eligibility, walang na siyang benefits at hindi na maaaring magtrabaho saanumang tanggapan ng gobyerno.

Sa SALN ni Medija, hindi nito isinama ang nabiling house and lot sa Talomo BucanaMoon land Subdivision sa Davao habang ang anak na si Brian Dexter ay may isa pang lote na nakapangalan dito gayung wala naman itong maaaring pagkunan ng pambili ng lupain.

Sinasabing ang asawa ni Medija na si Evelyn ang nagmamay-ari naman ng isa pang residential lot na nasa pangalan nito.
Si Medija ay napatunayan ding may piggery sa loob ng 5.5 ektaryang lupang agrikultural na may tanim na mga punong kahoy tulad ng pomelo, saging at mangga, anim na poultry buildings at isang residential lot sa Toril Eden Mountain Haven Subdivision sa Davao.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni intelligence officer Oscar Moratin ng Department of Finance-Revenue Integrity Protection Service (DOF-RIPS).

You May Also Like