Cong. Espino, Sa Wakas Iginalang ang Sandiganbayan

 

REP. AMADO ESPINO JR.
REP. AMADO ESPINO JR.

Ni: Roy Bersales

 

MAKARAAN ang 97-araw, tumiklop at iginalang na rin ni Pangasinan Rep. Amado Espino Jr. ang 90-araw suspensyong ipinataw sa kanya ng Sandiganbayan hinggil sa kasong korapsyon na isinampa sa kanya.

Noong Setyembre 8 pa inilabas ng Sandiganbayan ang desisyon nito laban kay Espino, ngunit ngayong Disyembre 15 lamang susundin at ipatutupad ng mambabatas ang naturang pasya ng Sandiganbayan.

Ang kaso ni Espino ay may kinalaman sa P10.750 Milyong halaga ng mineral na ibenta sa China at pagpayag niya sa black mining operation sa Pangasinan kung saan ay siya ang gobernador ng lalawigan nang mangyari ang dalawang insidente.

Inereklamo si Espino sa Office of the Ombdusman kung saan ay napatunayan ng nasabing tanggapan na may sapat na batayan upang iakyat sa Sandiganbayan ang kaso ni Espino.

Tahasang itinanggi ni Esino na pinagkakitaan niya ang dalawang proyekto.

Mayroong motion for reconsideration (MR) si Espino sa Sandiganbayan.

Idiniin ni Espino na ang kanyang pagtalima sa Sandiganbayan ay pagpapakitang hangad niyang makipagtulungan sa Sandiganbayan at sumunod sa Rule of Law.

Taliwas na taliwas ito sa una niyang pahayag na hindi puwedeng gawin ng Sandiganbayan sa kanya ang suspensyon dahil siya ay isang

Kongresista.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like