Colmenares, SSS pension hike override inisantabi

12705366_1130836250280323_3481992784423842391_nMANILA – “213 kanina ang bilang sa floor, Mr. Speaker. We have enough votes, Mr. Speaker, for the override. And I really ask the leadership that has to stand-by…” ito ang mga huling salita ni Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares habang siya ay pinatayan ng mikropono sa huling sesyon ng kongreso. Sinubukan ni Colmenares na itulak ang P2000 increase sa SSS monthly pension ng mga retiradong miyembro ngunit ito ay hindi sinang-ayunan ni Pangulo Aquino. Ayon sa Pangulo ang karagdagang P2000 ang siyang magtutulak upang mabangkarote ang SSS.

Samantala mayrun ng 65 mambabatas ang nagmungkahing susuporta sa pag override sa pag-veto ng pangulo sa SSS pension hike. Karamihan sa mga mambabatas ay kabilang sa Nationalist People’s Coalition (NPC) sa pangunguna ni Giorgidi Aggabao ang kongresita mula 4th district ng Isabela. Sa kasalukuyan kailangan pa ng 129 na mambabatas upang mabuo ang two-thirds ng Mababang Kapulungan upang maisantabi ang presidential veto.

“By May 23 (when Congress reconvenes), we hope to have more than 192 signatures. We will again present this at the plenary and we hope that it would not be disregarded and would be debated upon,” ayon pa kay Colmenares.

Bukod sa SSS Pension Hike kasama din nabinbin sa biglaang pagsasara ng sesyon ang Bangsamoro Basic Law (BBL), the Anti-dynasty, and Freedom of Information (FOI) bill at ang pagdinig sa Land Reform Extension Program.

“What is at stake here is the lives of our pensioners and every day counts. Also by May 23, there would essentially be a new president and my colleagues would not have to fear retaliation from President Aquino,” dagdag pa ni Colmenares. Si Colmenares ang pangunahing awtor ng SSS Pension Hike. (Jumarvin Ridulfa)

You May Also Like