Coca-Cola PBA Youngstars Basketball League bubuksan sa Abril

Mabibigyang muli ng pagkakataon ang mga kabataang basketball players na makapaglaro sa mataas na lebel na kumpetisyon sa pagbabalik ng  Coca-Cola PBA Youngstars Basketball League sa Abril.

Ang torneyong ito ay bukas sa mga kabataang may edad 13 hanggang 16 taong gulang.

story 3pba youngstar

Magsasagawa rin ng nationwide tryouts ang liga sa Abril, at ang national finals, na paglalabanan ng apat na regional finalists (Northern Luzon, Southern Luzon, Visayas at Mindanao) at ng top two finishers ng Metro Manila leg, ay nakatakda sa Mayo 19-26.

“If there is one surefire way to gain PBA’s attention and support, it is through time and resources invested on our youth as the Coke management has done by helping us organize this tournament,” sabi ni  PBA commissioner Chito Salud.

Ang mga taga-Metro Manila ay maaaring mag-tryout mula Abril 1 hanggang 13 sa Valenzuela, Marikina, Caloocan, San Juan, Manila, Taguig, Rizal, Navotas, Muntinlupa, Cainta, Pasig at Las Piñas.

Magkakaroon din ng tryouts sa Abril 2-14 sa Cagayan de Oro, Laoag, Iloilo, Zamboanga, Cavite, Laguna, Bacolod, Pangasinan, Davao, Cebu at Batangas.

“I’d like to assure everyone, especially the parents of our youth, of PBA’s unwavering commitment to our responsibility to serve as a role model to our precious youth. We take pride in it. We derive tremendous satisfaction and meaning from it,” dagdag pa ni Salud.

Para sa iskedyul ng tryout at clinic bumisita lamang sa  www.coca-cola.com.ph o sa  Coca-Cola Facebook fan page www.facebook.com/presidentforhappiness.

You May Also Like