Coal-fired Power Plant ng JG Summit, Hindi Matutuloy

NANINIWALA ang arsobispo ng Lipa City Batangas na hindi na matutuloy ang pagtatayo ng planta ng uling ng JG Summit Holdings. Inc.

Sabi ni Arsobispo Ramon C. Arguelles kay Regina Gina Lopez, papalit na pinuno ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), kumpiyansado siyang hindi na matutuloy anf coal-fired power plant sa bayan ng Lobo kapag nakaupo na si Lopez sa DENR.

Si Lopez ay kapatid ni Gabby Lopez, may-ari ng ABS-CBN Broadcasting Corporation.

“I am confident that Lobo, Batangas City, [and] the whole province, most specially the center of centers of the world marine biodiversity, under your leadership will be a government priority concern,” saad ni Arguelles.

Ang pahayag ng arsibispo ay may kinalaman sa itatayo ng JG Summit na planta ng uling.

Ang JG Summit ay pag-aari ng negosyanteng si John Gokongwei.

Walang naitutulong na maganda at postibo sa kalusugan ng publiko, sa kalikasan, sa kapaligiran, at maging sa ekonomiya ng bansa ang planta ng uling ayon sa pag-aaral ng Ibon Foundation.

Ang 600-megawatt coal-fired power plant ay pinayagan ng pamahalaang lokal ng Batangas sa pamamagitan ng paglalabas ng locational clearance para dito, kabila ng mahigpit na pagtutol ng mga residente, simbahang Katoliko, at non-governmental-organizations.

Isa sa mga NGOs na tutol sa tatayong negosyo ng JG Summit ay ang Green Thumb Coalition.

Si Lopez ay isa sa convenor ng Green Thumb Coalition na matagal nakikibaka laban sa pagtatayo ng coal-fired power plant at pagmimina sa bansa.

Ito ay binubuo ng 40 organisasyon mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang Batangas City at Lobo ay parehong tukoy na biodiversity critical areas na malapit sa Verde Island Passage, kilalang sentro ng marine biodiversity sa Batangas at Mindoro na gusto ng Green Thumb na protektahan at patuloy na pangalagaan ng pamahalaan.

Ayon kay Batangas city councilor at miyembro ng Green Thumb Coalition Kristine Balmes umaasa ang Green Thumb Coalition na hindi aaprubahan ni Lopez ang applikasyon ng JG Summit na environmental compliance certificate (ECC).

Ang ECC ay isa sa mga mahalagang ekisito upang makapagtayo ng coal-fired power plant.

Ang aplikasyon ng JG Summit ay matagal na ring nasa tanggapan ni DENR Sec. Ramon Paje. (Tapat News Team)

 

Propellerads

You May Also Like