Cedula, papalitan ng national ID

cedula

NATIONAL identification (ID) system ang nakikitang posibleng ipalit kung tatanggalin ang cedula o community tax certificate.
Ang ideyang ito ay isinusulong ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong matapos iminungkahi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na ibasura na ang cedula o community tax certificates.

Nagpapaalala ng pananakop o “stigma of colonization” ang rason na binanggit ng kongresista kung bakit aniya kailangan nang ibasura ang cedula.

Nito lamang Pebrero 5 ay naipasa sa ikalawang pagbasa ang House Bill 6895, na inihain ni Albay Rep. Al Francis Bicharra na naglalayong magkaroon ng isang Filipino identification system.

Nakapaloob sa panukala na ang bawat Pilipino, nasa abroad man o nasa Pilipinas ay kailangang magkaroon ng isang non-transferable Filipino I.D. card na magiging balido sa loob ng 10 taon at maaaring i-renew tulad ng pasaporte.

You May Also Like