Cash reward para sa mga estudyante ng Taguig

Mapalad ang mga masisipag na estudyanteng makakatanggap ng gantimpala na cash reward dahil sa academic excellence.
Mapalad ang mga masisipag na estudyanteng makakatanggap ng gantimpala na cash reward dahil sa academic excellence.

Cash reward na umaabot sa P30,000 ang ibibigay ng lokal na pamahalaan ng Taguig sa sampung pinakamahusay na estudyante ng mga pampublikong paaralan.

“Paraan ito ng Taguig para mabigyan ng gantimpala ang mga bata na nagpakahirap mag-aral sa kabila ng kahirapan at nagawa paring manguna sa klase,” ani Taguig Mayor Lani Cayetano tunkol sa ordinansang naglalaan ng nasabing benepisyo sa mga estudyante.

P30,000 ang matatanggap ng high school valedictorian; P25,000 ang para naman sa mga salutatorian.

Makatatanggap rin ng tig-iisang cash reward na nagkakahalagang P10,000 ang mga estudyante ng highschool na nakapasok sa top 10 ng kanilang batch.

P15,000 naman ang makukuha ng elementary valedictorian at P12,500 naman ang matatanggap ng salutatorian. Bibigyan rin ng reward na P5,000 ang bawat estudyante na nasa top 10.

You May Also Like