Cable Car, Solusyon sa Trapik

ISA sa mga plano ng administrasyong Duterte upang maresolbahan ang problema sa trapiko sa Metro Manila ay ang pagkakaroon ng car car.
 
Ayon kay incoming Transportation Secretary Arthur Tugade, seryosong isusulong ng administrasyong Duterte ang pagkakaroon ng cable car dahil makatutulong ito upang maresolabahan ang trapik sa Metro Manila.
 
Ani Tugade, “Pag nagdagdag tayo ng kalsada…, lalong makaka-traffic. Kung gusto mong additional capacity [ng transportasyon], pumunta ka sa itaas.”
 
Ang punto ni Tugade, gamitin ang mga espasyong maaaring mapakinabang upang masolusyonan ang problema sa daloy ng mga sasakyan.
 
“Suffice to say, for the moment, that [cable car system] is seriously being looked into,” dagdag niya.
 
Aniya, maaaring unahing ipatupad sa mga lungsod ng Pasig at Makati ang sistemang cable car.
 
Bukod sa sistemang cable car, iniisip din ni Tugade ang pagbubukas ng mga kalsada ng mga  subdibisyon at pagkakaroon ng mas maraming proyektong pang-imprastraktura.
 
Kumbinsido si Tugado na kailangan nang magkaroon ng mapagpasyang aksiyon upang maibsan na ang trapiko sa Metro Manila lalo pa’t umaabot sa P3 bilyon bawat araw ang nasasayang na pera dulot ng matinding trapik ayon sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA). (Edward Mico Joseph D. Agustin)

 

 

Propellerads

You May Also Like