Buy and sell ng boto, itigil na! – obispo

Nanawagan si Bp. Teodoro Bacani Jr. na baguhin na sa darating na halalan ang mga nakagawiang vote-buying at selling.
Nanawagan si Bp. Teodoro Bacani Jr. na baguhin na sa darating na halalan ang mga nakagawiang vote-buying at selling.

Nananawagan ang isang obispo sa mga kandidato at sa publiko na itigil na at huwag nang gawin pa ang mistulang ‘buy and sell’ ng boto na kalakaran lalo na sa darating na Mayo 13 mid-term polls.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. , hindi umano dapat na iwan ng mga Kristiyano at Pilipino ang kanilang tamang pananampalataya sa Diyos sa bawat gawain nito, lalo na sa pagboto dahil kasalanan umano ang pagbili ng mga kandidato sa boto, maging ang pagbebenta nito ng publiko.

“Anuman ang gawin ng mga mananampalataya, dapat gawain ito bilang isang Kristiyano, maipapakita ang gawaing maka-Kristiyano sa paghalal ng kandidato sa halalan na naaayon sa kagustuhan ng puso at konsensiya,” paliwanag ni Bacani. Dagdag pa ng obispo, nararapat lamang na gawing inspirasyon at gabay ng mga tao ang pagiging Kristiyano upang maging malinis ang kanilang konsensiya sa pa boto at makapili ng karapat-dapat na mga pul tiko na siyang may malaking maitutulong sa kapakanan ng nakararami.

You May Also Like