Buwis sa tsitsirya at soft drinks, suportado ng PCP

MANILA – Pabor ang Philippine College of Physician (PCP) sa plano ng adminitrasyong Duterte na patawan ng buwis ang mga tsitsirya at soft drinks.

“Tahasan naming sinusuportahan ang pagaataw ng buwis sa mga softdrink at tsitsirya…[Pero] kailangan ditto ang malalimang talakayan ng mga stakeholder,” saad ni Dr. Anthony Leachon, panggulo ng PCP foundation.

Ang pahayag ng PCP ay reaksiyon sa mungkahi na patawan ng buwis ang mga tsitsirya at softdrinks sa panahon ng administrasyong Duterte.

Idiniin ni Leachon na makatutulong ng malaki ang buwis mula sa tsitsirya at soft drink upang tumaas ang koleksiyon ng buwis pamahalaan.

Mababawasan naman sa kabilang banda ang kumakain ng tsitsirya at umiinom ng soft drinks.

Ang nabanggit na mga produkto ay siyang mga pinanggagalingan ng diabetes, labis na katabaan, high blood at stroke o cardiovascular conditions ng isang tao.

Pupuwedeng gayahin ang pagtataas ng buwis na idinagdag sa alak at sigarilyo ilang taon na ang nakalilipas, ayon pa kay Dr. Leachon.

Dahil sa karadagang buwis sa mga sigarilyo at alak, tumaas din ang badyet sa serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan.

Ngunit, hindi pa rin naaabot ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang inaasahang target nito na painaniniwalaang maaabot sakaling magpataw na ng buwis sa nasabing mga produkto. (Tapat)

You May Also Like