Bus Terminal sa EDSA-QC, Mawawala na

 

Ni: Joel O. Amongo

 

SANGGUNIANG Panglunsod ng Quezon City na ang aaksiyon upang mawala ang mga terminal ng bus sa Epifanio delos Santos (EDSA) na sakop ng lungsod.

Sabi ni Distrito 2 Coun. Ramon Medalla, naghain siya ng panukalang ordinansa sa ika-20 Sangguniang Panglunsod ng Quezon City na ang layunin ay ang pagpapatanggal ng mga terminal ng bus sa EDSA na sakop ng lungsod.

Ani Medalla, makatutulong ang kanyang mungkahing batas na “No Provincial Bus Terminal/Garage in Quezon City” sa pag-aayos ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Nakasaad sa Seksiyon 6 ng panukalang ordinansa na ang lalabag dito ay magmumulta ng P3,000 sa unang paglabag, P5,000 multa sa ikalawang ulit na paglabag, at P5,000 at pagkansela sa business permit, permit to operate, at prangkisa kung pangatlong beses nang lalabag sa nasabing mungkahing ordinansa.

Nasa Committee on Transportation na pinamumunuan ni Distrito 1 Coun. Oliviere Belmonte ang mungkahing ordinansa ni Medalla.

Sa ikatlong linggo ng Setyembre inaasahang magsisimula ang pampublikong pagdinig sa panukala.

Ang mga apektadong terminal ay sa First Solid North Bus Company, Victory Liner, Five Star, Baliwag Transit, Jam Transit, Jac Liner, Alps, Viron, Dominion, Dagupan Bus, at marami pang iba.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like