Buntis, 2 Estudyante, Pulis, Kabilang sa mga Namatay sa Pagsabog sa Davao

Ni: Roy Bersales

WALANG DIYOS?: Ang ginawang pagpapasabog ng Abu Sayyaf Group (ASG) ay pagpapatunay na wala itong kinikilalang Diyos , o Alah dahil hindi nagdalawang isip ang teroristang grupo na pumatay ng mga inosenteng tao. (Rachel Luna)
WALANG DIYOS?: Ang ginawang pagpapasabog ng Abu Sayyaf Group (ASG) ay pagpapatunay na wala itong kinikilalang Diyos , o Alah dahil hindi nagdalawang isip ang teroristang grupo na pumatay ng mga inosenteng tao. (Rachel Luna)

 

ISANG buntis, dalawang estudyante, at isang pulis ang kasama sa 14 namatay sa pagsabog na naganap sa Davao City nitong Biyernes.

Ang buntis ay nadala pa sa ospital, ngunit dito na rin binawian ng buhay, ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, pambansang hipilan ng Philippine National Police (PNP).

Hindi pa kaagad nakuha ang pagkakakilanlan ng buntis.

Dalawang estudyante ang namatay, sabi rin sa ulat ng PNP.

Ang isa ay nakilalang si Daniel Josh Larida, 12-taong-gulang, na namatay kasama angg kanyang ina na si Melanie Faith Larida.

Isang Cristelle Decolongon ang isa pang estudyante.

Ang namatay na pulis ay si Senior Police Officer 1 Jay Adremesin, miyembro ng PNP Aviation Security Group (ASG).

Inako ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang pagpapasabog.

Ayon sa ASG, sagot ito sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin na ang nasabing teroristang pangkat.

Idiniin pa ng grupo, hindi sila natatakot sa utos ni Duterte.

Ang pagpapasabog sa Davao City na ikinasawi ng 14 na katao at malubhang ikinasugat ng mahigit 60 pang katao ay kongkretong paghahamon ng ASG kay Duterte, sapagkat dito siya nanggaling.

Mahigit 20 taon siyang naging alkalde sa lungsod, 3 taon naging bise-alkalde, 3 taon naging kongresista, at mahigit pitong taon naging piskal ng lungsod.

Itinuturing na pinakamalaking lungsod ang Davao City sa buong Mindanao.

Ang ASG ay nakabase sa Sulu at Basilan.

Sa nagaganap na pakikipaglaban sa ASG, 15 sundalo na ang napatay sa Sulu noong Agosto 29.

Isa sa kanila ay pinugutan ng ulo.

Dahil dito, pinadagdagan pa ni Duterte ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Sulu at Basilan kung saan galing Samar ang isang batalyong sundalo.

Samantala, inilinaw ng Malakanyang na buong bansa ang idineklarang “state of lawlessness” ni Duterte nitong Sabado ng umaga.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like