Bunkhouses para sa Zambo siege victims ipapamahagi

MANILA, Philippines – Umaasa ang Archdiocese of Zamboanga na matatapos ng pamahalaan ang kasalukuyang ginagawang bunk houses at mga temporary housing para sa mga biktima ng Zamboanga siege na inaasahang maipapamahagi sa Oktubre taong kasalukuyan.

Inihayag ni Msgr. Cris Manongas, vicar general ng Archdiocese of Zamboanga na patuloy ang paggawa ng mga bunk houses at ang paghahanap na rin ng lugar para sa pagtatayo ng permanent housing para sa libo-libong residente na naapektuhan ng Zamboanga siege noong Setyembre ng nakalipas na taon.

Sinabi ni Msgr. Manongas na tinatapos na rin ng Archdiocese of Zamboanga ang pagpapagawa ng mga bunk houses para malipatan na ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa labanan ng tropa ng pamahalaan at MNLF-faction.

Inaasahan ni Msgr.Manongas na sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo ay maililipat na ang mga apektadong pamilya sa mga bunk houses na pinagawa ng Simbahan.

“Sa Diocese the work is ongoing and we will have our initial number of families transferred there. We will be giving out the bunk houses, before the end of June probably mga June 20 we will have already the initial blessing and then we continue on working of the conception of the houses,” pahayag ni Msgr. Manongas.

Unang iniulat ni Msgr.Manongas na may 80-katao na ang nasawi sa mga evacuation area na karamihan ay mga bata dahil sa pagsisiksikan ng libo-libong pamilya sa Don Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex sa Zamboanga city.

(Marian Navales-Pulgo)

You May Also Like