Buhay, nangunguna sa labanang party list

2Buhay story - issue9TAGLAY ang lamang ng mahigit kumulang 25,000 na boto, nangunguna ang Buhay Hayaan Yumabong party list, isang pro-life na organisasyon, sa labanan ng mga party list, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Pumapangalawa lamang ang A Teacher na may 1,033,873 boto, kumpara sa Buhay na may naitalang 1,255, 734 na boto noong Miyerkules.

Nahigitan na nito ang kanilang pagkapanalo noong 2007, kung saan naging no. 1 party list din ito na may 1,169, 338 na boto.

Inaasahang matapos ngayong linggo ang bilangan ng boto para sa party list, na ayon sa Comelec, may 95 porsiyento na ng lahat ng certificates of canvass (COC) ang naibilang.

Pumapangatlo naman ang Bayan Muna na may 945,639 boto, sumunod naman ang 1-CARE, isang grupong nagtataguyod sa rural energy, na may 931,303 boto. Pang-lima naman ang Akbayan na may 820,351 votes.

Ang umani ng pinakamaraming boto noong halalan 2010, ang Ako Bicol, ay nasa ika-anim na posisyon, na may 761,115 boto, habang pang-pito ang Abono na may 753,161.

Sumusunod sa listahan ang mga party list na nakalikom ng higit sa 2 porsiyento ng lahat ng boto o mahigit kumulang 200,000 votes.

8. OFW Family – 735,854
9. Gabriela – 706,194
10. Senior Citizens – 671,916
11. COOP-NATCCO – 640,180
12. AGAP – 588,095
13. CIBAC – 578,320
14. Magdalo – 561,613
15. An Waray – 540,210
16. Abamin – 465,192
17. Act Teachers – 449,710
18. Butil – 437,084
19. ACT-CIS – 371,309
20. Amin – 370,351
21. LPGMA – 369,989
22. Kalinga – 367,839
23. TUCP – 365,299
24. YACAP – 364,278
25. AGRI – 363,204

Nangangailangan ng 2 porsiyento o 200,000 hanggang 206,000 boto ang isang party list upang makapanalo ng isang congressional seat.

You May Also Like