‘Brigada Eskwela’, sinimulan na

students scholars

INILUNSAD na ngayon ang isang linggong boluntaryong paglinis at pag-aayos sa mga pampublikong paaralan para sa pasukan sa Hunyo o ang ‘Brigada Eskwela’.

“[Ang Brigada] ang pinakamahabang pagpapakita ng people power sa Pilipinas,”ani DepEd Secretary Armin Luistro, matapos ang paglunsad ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) sa Philippine School for the Deaf na may temang “Isang Dekada Ng Bayanihan Sa Paaralan”.

Ito ay isinasagawa sa lahat ng mga pampublikong paaralan tuwing ikatlong linggo ng Mayo o dalawang linggo bago magsimula ang klase.

Ang mga volunteer ang nagpipintura ng silid-aralan, nagkukumpuni ng sirang kasangkapan, at naglilinis ng bakuran ng paaralan. Ang mga Materyal at supplies ay karaniwang donasyon ng mga magulang o ng mga private business at foundations.

You May Also Like