Bored in Bukidnon

Dear Ate Ami,

Sumusulat po ako sa inyo dahil sa suggestion ng best friend ko. Satingin niya, I could use some advice from someone more “objective.” Lumipat kami ng asawa at dalawang anak ko, aged 7 and 5, dito sa Bukidnon mula sa Manila. Mag-iisang taon na mula nang lumipat kami dito pero hirap pa rin akong mag-adjust dahil ibang-iba ang buhay dito. Pinag-isipan naming mabuti bago kami nag desisyon na lumipat. Kumbinsido kaming mabuti para sa mga batang lumaki sa probinsya, for varied reasons. Ganoon pa rin ang paniniwala namin, pero I can’t help feeling a bit bored here. Writer po ako, pero sa ngayon ay lahat ng oras ko napupunta sa pamilya, sa bahay (wala kaming yaya at kasambahay). Do you have any advice to offer about this? Masaya naman ako dito, mas tahimik, mas mura ang mga bilihin. Wholesome pa ang environment for my kids compared to Manila.Pero sometimes I feel lonely. All my friends are in Manila. I’m 38 years old and I’m a Christian. Thank you.

– Rowie

Dear Rowie:

1) May internet ba diyan? Mag social media ka. Ang liit-liit na ng mundo, keep in touch with your friends and relations!

2) Use your spare time to explore the place. Mag research ka sa internet kung ano-ano ang magandang puntahan diyan sa Bukidnon and make a program for your family to explore these places kahit once a month.

3) Join clubs, church organizations, keep busy, meet new people. Baka amagin ka diyan sa loob ng bahay. Mag-volunteer ka sa parish ninyo o sa church circle mo. May orphanage ba diyan? Home for the aged? Give an afternoon a week to serve as volunteer.

4) Look for an online job that will occupy you and make use of your talents. Read. Write letters to the editor. Start a blog.
5) Study, maybe a foreign language (puwede rin sa internet), or explore the talents of the new friends you’ll make. Baka meron diyang mga farmers na interested sa ecology, get involved! Vermiculture—pasukin mo! Start an organic garden.

6) Take advantage of the time you have in your hands to attend to your health. Nakakapag exercise ka ba diyan? Malinis ang hangin, so, mag jogging, swimming, other sports. Hindi mo lang nari-realize how lucky you are! Kami dito sa siyudad, nagbabayad ng libo-libo makapag-gym lang. Ikaw, libre clean air mo, sariwa ang pagkain mo, hindi lang basta mura!

7) First of all, be grateful nandiyan kayo. You chose a better environment for your growing children, with fewer distractions pa, so you’ll have more time to know and understand one another sa family mo. Aim to become a better parent.

8) Writer ka kamo? Nagtataka lang ako kung anong klase kang writer, kasi ang mga writers, never nabo-bored! Matindi ang mga imahinasyon nila eh. Turo nga sa amin sa journalism school noon, ng professor namin sa news reporting, “If there is no news, create news!” Ibig sabihin, be resourceful, go out, interview people, draw out their opinions, baka makadiskubre ka ng news.

9) Kaya hinahamon kita, be resourceful! Ang mga “problema” tulad ng sa iyo, hindi na dapat ilapit sa ibang tao! Kaya mo yan Ate—o Kuya. Pangalan mo kasi Rowie, pang lalaki, pero ang tunog mo babae. May internet kayo? Ang huling advice ko sa iyo is: mag-Google ka. Type mo “How to relieve boredom”. Marami kang advice mapupulot doon. Keep on reading, baka mamaya, maging expert ka na sa paggamot ng boredom. Boredom is in the heart—but not in a Christian heart.

– Ate Ami

ate ami

May problema ka ba? Ikwento kay Ate Ami at ipadala sa dearateami@gmail.com.  Huwag kalimutang ilagay ang iyong edad at trabaho para sa mas angkop na payo.

You May Also Like