Boracay Mansion, ipinagigiba

IPINAGIGIBA na ng pamahalaan ng Quezon City ang kontrobersyal na ‘Boracay Mansion na sinasabing pagmamay-ari ni dating pangulong Joseph Estrada.

Linipat ng Sandiganbayan ang pagmamay-ari ng Boracay Mansion sa Quezon City government matapos din ang ilang taon na hindi nababayaran ang kaukulang buwis ng mansyon.

Sinasabing plano ng lokal na pamahalaan na pagtayuan ng isang museo at ilang tanggapan ang naturang lugar para mapakinabangan ito ng publiko partikular ng mga taga-QC.

Magugunitang hindi inamin ni Estrada na siya ang may-ari ng naturang mansyon.

Ang nasabing property sa New Manila, QC ang isa sa mga naging basehan ng kasong plunder na kinaharap ni Estrada sa Sandiganbayan.

You May Also Like