Bonnet Gang, Namaril sa Birthday, 3 Patay

 

Ni: Denz Laguipo

 

ISANG miyembro ng kinatatakutang ‘Bonnet Gang’ sa Caloocan City ang namamaril nang namaril sa selebrasyon ng kaarawan ng isang 2-taong-gulang na lalaki na nauwi sa pagkamatay ng tatlong katao nitong Linggo.

Kabilang sa mga namatay ay ang 28-taong-gilang na si Robbie Cabanisas, ama ng may kaarawan.

Bukod kay Cabanisas, namatay din sina Joselito Dionson at Gernie Maga.

Tinamaan ng maraming bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tatlo, banggit ng pulis.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang tatlong biktima, kabilang ang iba pang bisita sa tapat ng bahay ni Cabanisas sa Barangay 176 bandang alas 8:00 ng gabi nitong Linggo nang biglang may isang lalaking nakasuot ng bonnet ang namaril nang namaril sa mga nagkakasiyahan.

Matapos mamaril, tumakbo ang suspek sa kasamahang nakamotorsiklo at biglang humarurot ang takbo ng kanilang sasakyan.

Isinugod naman sina Cabanisas, Dionson, Maga, at iba pang bisita na tinamaan ng bala.

Ang tatlo ay namatay sa ospital.

Ayon sa isang kaanak ng isa sa mga biktima, isa sa nabaril ay dating gumagamit ng iligal na droga, ngunit matagal na itong huminto.

Nagsimula nang magsagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy kung sino ang suspek.

Aminado ang pulisya na marami nang namatay na mga tulak ng bawal na gamot at adik sa Caloocan na ang pangunahing suspek ay mula sa “Bonnet Gang.”

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like