BOC palpak, titino kaya kay Faeldon?

 

 

SINISITA ANG LAMAN: Isa sa mga trabaho ng Bureau of Customs (BOC) ay inspeksiyonin ang mga van na dumarating sa mga pantalan ng bansa tulad nitong naganap sa Maynila ilang buwan na ang nakalipas. Ang layunin ng inspeksiyon ay matukoy ang laman at eksaktong halaga nito upang magsilbing gabay kuung magkano ang kukolektahing buwis sa negosyanteng may-ari ng van. (Jay-Ar Ortonero)
SINISITA ANG LAMAN: Isa sa mga trabaho ng Bureau of Customs (BOC) ay inspeksiyonin ang mga van na dumarating sa mga pantalan ng bansa tulad nitong naganap sa Maynila ilang buwan na ang nakalipas. Ang layunin ng inspeksiyon ay matukoy ang laman at eksaktong halaga nito upang magsilbing gabay kuung magkano ang kukolektahing buwis sa negosyanteng may-ari ng van. (Jay-Ar Ortonero)

Ni: Marites Badilla

 
NAMAMAYANI na nga ang katiwalian at korapsyon sa Bureau of Customs (BOC), pumalpak pa ito sa pagkulekta ng buwis noong 2015.
 
Ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA) na inilabas kahapon, kapos ng P69.685 Bilyon ang nakulekta ng BOC para sa 2015.
 
Batay sa itinakda ng ika-15 Kongreso na nakasaad sa 2015 General Appropriations Act (GAA), P436.591 Bilyon ang dapat na nakulektang lahat ng BOC.
 
Kamakailan, ibinunyag ni Rodolfo “RJ” Javellana, pangulo ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC), sa Tapat News online at bi-monthly newspaper na P200 Bilyon bawat taon ang nawawala sa kaban ng pamahalaan dulot ng talamak na smuggling, katiwalian, at korapsyon sa BOC.
 
Sabi pa ni Javellana, malaking hamon kay BOC Commissioner Nick Faeldon na masawata ang smuggling, katiwalian, at korapsyon sa nasabing ahensiya upang hindi masayang ang P200 Bilyon kada taon.
 
Idiniin ng COA sa BOC na kailangang higit na magpursige at magpakahusay ito upang makamit ang tudlang koleksyon ngayong 2016.
 
Nadiskubre ng COA na sa 18 tampalan sa bansa na kikukolektahan ng BOC, sampu rito ang kapos ang koleksiyon.
 
Ang BOC sa Limay Port sa Bataan ang pinakapalpak sa lahat dahil P21.66 Bilyon ang kulang sa nakulekta nito.
 
Kapos ito ng 52%, o katumbas sa P23.606 Bilyon mula sa  P45.266 Bilyong target.
 
Ang iba pang palpak na yunit ng BOC ay ang pier ng Maynila na kapos ng P14.399 Bilyon.
 
Ang Batangas Port ay kapos ng P14.153 Bilyon.
 
Kulang ng P13.477 Bilyon ang BOC sa Manila International Container Port (MICP).
 
Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay pumalyang kulektahin ang P3.499 Bilyon.
 
Ang BOC sa pantalan ng Subic ay hindi nakulekta ang P1.895 Bilyon.
Ang San Fernando La Union ay kinapos ng P834 Milyon ang koleksiyon.
 
Umabot sa P638 Milyon ang hindi kinayang kolektahin ng BOC sa Cagayan De Oro Port.
 
Ang Port of Aparri naman ay kapos sa P459 Milyon.
 
At ang BOC sa pier ng Tacloban ay P41 Milyon ang ipinalya.
 
Dahil sa kapalpakan sa pangungolekta ang BOC, kinapos na naman ang pondo ng pamahalaan.

You May Also Like