BOC: Pagproseso ng Inangkat na mga Produkto, 5 Araw na Lang

MULA limang araw, gagawing limang oras na lamang ang hihintayin ng mga kliyente ng Bureau of Customs (BOC) upang makuha ang mga produktong inangkat nila mula sa ibang bansa, ayon sa hepe ng ahensiya.
 
Tiniyak ni BOC Commissioner Nicanor Faeldon na mangyayari ang mas mabilis na pagproproseso ng mga inangkat na mga produkto.
 
Ikakasa ang pagbabagong magaganap upang matapos na ang suliranin sa matinding “port congestion” o pagtambak ng mga inangkat na produkto sa port area na nagresulta sa pagbagal ng pagpapadala nito sa mga may-ari nito at sa kalauna’y sa merkado.
 
Hindi tinukoy ni Faldon kung kailan magsisimula ang limang araw na proseso.

 

 
Aniya, mahigit tatlong ektarya na rin ang ‘kinakaing’ lugar sa isang port sa Maynila na hindi pa naiallabas na mga produkto.
 
Sa limang buwan ay walang duda na parehong talong-talo ang pamahalaan at mga negosyante.
 
Ang masama nito ay ang malalang negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa.
 
Ayon kay Faeldon, kakausapin niya ang mga kawani ng pamahalaan na may hawak sa pagbibigay ng “import permits” na gawin ang lahat ng paraan upang maging limang araw na lamang ang pagpoproseso ng produktong galing sa ibang bansa, sa halip na limang buwan.
 
Idiniin ni Faeldon na  “Speeding up the release of imported cargo would also be advantageous to the consignee. We will solve many things by facilitating the immediate release of these shipments.”
 
“We would let these traders avoid losing money, and it will avoid congestion at the pier,” dagdag niya. (Mico Agustin)

You May Also Like