BNPP, Gaano Kaligtas?

 

IPINALILIWANAG SA BAGITONG SENADOR: Hindi kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian sa paliwanag sa kanya na ligtas ang Bataan Nuclear Power Plant sa Morong, Bataan na hindi nagagamit mula nang matapos ito, 40 taon na ang nakalilipas. (Jay-Ar Oytenero)
IPINALILIWANAG SA BAGITONG SENADOR: Hindi kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian sa paliwanag sa kanya na ligtas ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Morong, Bataan na hindi pa nagagamit mula nang matapos ito, 40 taon na ang nakalilipas. (Jay-Ar Otenero)

Ni: Roy Bersales

 

KUMBINSIDO si dating Kongresista Mark Cojuangco na walang problema sa Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) para pagkunan ng kuryente ng bansa.

Idiniin ni Cojuangco na walang dapat ipag-alala ang publiko sa BNPP dahil ligtas ito kahit anong sakuna, kabilang na ang lindol.

Ang disenyo ng 40-taong-gulang na planta nukleyar ay na nakatirik sa 400 ektaryang lupa sa Morong ay siniguradong inihanda kahit sa pinakamalakas na lindol, banggit ng dating mambabatas mula sa ika-5 distrito ng Pangasinan.

Ang BNPP ay naitayo noong panahon ni Ferdinand E. Marcos, ngunit hindi nabuksan dahil sa dinagsa at pinalibutan ito ng pagtutol at pagdududa hinggil sa kasiguraduhang hindi ito makapeperhuwisyo sa kalusugan ng publiko at katatagan ng kalikasan.

Nabuhay ang isyu dahil sa pagsusulong ni Energy Sec. Alfonso Cusi na buksan ang BNPP para pagkunan ng kuryente ng bansa.

Naniniwala si Cusi na ang BNPP ang isa sa mga solusyon upang matapos na ang problema sa kakapusan ng pakukunan ng kuryente.

Idiniin ni Cojuangco na “wala din pong fault sa lugar. Nagpapunta po tayo ng mga eksperto at matagal nilang pinag-aralan ito. Wala silang nahanap na fault.”

Hindi kumbinsido si Sen. Sherwin Gatchalian.

Ang gustong mangyari ni Gatchalian ay magkaroon muna ng mas malawak at malalim na pag-aaral tungkol sa BNPP bago ito buksan at gamitin.

Idiin ng bagitong senador na hindi tama na maging padalos-dalos sa pagdedesisyon, lalo pa’t maraming isyu ang dapat na masagot hinggil sa BNPP.

Sabi ni Cojuangco, hindi tamang ikumpara ang BNPP sa Chernobyl sa Ukraine, sapagkat magkaiba ang dalawa.

Aniya, ang Chernobyl ay planta ng mga armas-nukleyar na ginawang planta nukleyar para pagkunan ng koryente.

Ang plantang Chernobyl ay walang “containment” at hindi “warehouse type” ang istraktura ng gusali nito at ang disenyo nito ay hindi ligtas para sa publiko at pamayanan.

Ang plantang Chernobyl ay malayung-malayo sa BNPP, dagdag pa ni Cojuangco.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like