Bise Alkalde sa ‘Drug List’ ni Duterte, Dinakip

 

Ni: Marites Badilla

 

DINAMPOT ng mga pulis ang bise alkalde ng bayan ng Talitay sa Maguindanao, ngunit hindi binanggit sa media ang dahilan ng paghuli.

Si Abdul Wahab Sabal ay dinampot ng  operatiba ng Philippine National Police (PNP) Regional Anti-Illegal Drug (RAID) ng Autonomous Regiion of Muslim Mindanao (ARMM).

Hindi lumaban si Sabal nang ipakita sa kanya ang warrant of arrest nang lumabas siya sa Cotabato Airport exit gate sa Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat bandang alas 12:00 ng tanghali.

Ang pangalan ni Sabal ay kasama sa ‘drug list’ ni Pangulong Rodrigo Duterte na isinapubliko noong Agosto 7.

Ang nakatatandang kapatid ni Sabal na si Talitay Mayor Montasir Sabal ay kasama rin sa listahan ni Duterte.

Mariing itinanggi ng magkapatid na sila ay sangkot sa iligal na droga bilang protektor man, o tulak.

Matatandaang nanindigan si Duterte na totoo ang kanyang listahan sa mga sangkot sa iligal na droga.

Mula noong Agosto 7, hindi uli nasundan ang drug list ng Pangulo.

Inaabangan ng media ang susunod na drug list kung saan inaasahang kasama ang ilang mga alkalde sa Metro Manila na protekto ng sindikato ng iligal na droga at mga artistang adik.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like