Binay, Roxas pumirma sa Tipan ng Simbahan

Binay umani ng suporta ng pro-lifers

Patuloy na dumadami ang suporta kay bise-presidente Jejomar Binay nang pumirma ito sa “Tipan ng Katutohanan” at ilan pang mga kandidato na nagpapatunay ng pakikiisa sa makatutuhan, responsible, marangal, malinaw at matapat na pakikiisa sa darating na halalan.

Pinangunahan ni Cardinal Luis Antonio Tagle, Arsobispo ng Maynila sa isang misa sa Manila Cathedral na dinaos nun May 2 at na dinaluhan naman ng 17 sa 66 na inimbitahang mga kandidato kabilang na si bise-presidente Jejomar Binay at Mar Roxas parehong kandidato sa pagkapangulo.

“Sa pagiging mga kandidato, dapat mong malaman na ang basbas ay may kaakibat na responsibilidad,” ani Tagle. “Kung ikaw ay manalo, nangangahulugang dapat mong isabuhay ang mga pangarap ng mamamayan para sa kanilang kabutihan.”

Naglalayon ang naturang tipan na makakalap ng supporta mula mismo sa mga kandidato na panatiliin ang karapatan ng mga botante na makaboto, maiwasan ang karahasan maging ang pagbili ng boto.

Samantala, muli na namang nanawagan ang Simbahang Katolika sa isang pastoral letter na iwasan ang pagboto sa mga kandidato na may mababang moral na kamalayan dala ng kawalan ng pag-asa ng karamihan sa mga nauna nang nagpalakad sa bansa.

Dinaluhan pa ng ilan mga kandidato ang naturang misa at kabilang sa nakiisa sa Tipan ng Katotohanan ay si Gail Robredo para kay Rep. Leni Robredo na tumatakbong bise-presidente. Si Gail ay anak ni Butch Robredo kapatid ng namayapang DILG Secretary Jesse Robredo. Kabilang sa mga dumalo na tumatakbo para sa pagka-senador ay sina Sen. Vicente Sotto III, Princess Jacel Kiram, Atty. Lorna Kapunan, former Special Action Force Commander Getulio Napenas, former Justice Sec. Leila de Lima at Rep. Martin Romualdez ng unang distrito ng Leyte.

Ang bise-presidente at ang Kardinal ng Maynila. Dumalo si bise-presidente Jejomar Binay sa misang ginanap sa Manila Cathedral na pinangunahan ni Cardinal Tagle. Ang naturang misa ay dinaluhan ng 17 sa 66 na inimbitahang mga kandidato sa darating na halalan. Sa naturang misa, pumirma sa Tipan ng Katotohanan at nangako ang mga kandidato na susuporta sa isang malinis at matapat na halalan.
Ang bise-presidente at ang Kardinal ng Maynila. Dumalo si bise-presidente Jejomar Binay sa misang ginanap sa Manila Cathedral na pinangunahan ni Cardinal Tagle. Ang naturang misa ay dinaluhan ng 17 sa 66 na inimbitahang mga kandidato sa darating na halalan. Sa naturang misa, pumirma sa Tipan ng Katotohanan at nangako ang mga kandidato na susuporta sa isang malinis at matapat na halalan.

Bago pa man ang naturang tipan, nauna nang nagpakita ng pagpapahalaga sa mga moral na katuruan ng Simbahan sina senador Vicente “Tito” Sotto at Rep. Martin Romualdez sa ginananap na “Pro-Life Forum” kamakailan sa pamosong the Aristocrat Restaurant. Maging si bise-presidente Binay ay nauna na ring nagpakita rin ng suporta para sa karapatan ng buhay- isa sa mga adbokasya ng Pro-Life Movement – matapos makiisa ni Binay sa pagtitipon ng United Nationalist Alliance (UNA) kasama si Manny Paquiao kongresista ng Sarangani na ginanap sa General Santos City.

“Hindi kayo magsisisi sa pagboto kay Binay na nagpapahalaga sa buhay ng bawat indibidwal maging sa dignidad ng kababaihan,” ani Binay sa naturang pagtitipon.

Dagdag pa ng bise-presidente, “hindi mareresolba ang krimen sa pamamagitan ng pagpatay ng tao. Diyos ang nagpasimula ng buhay at walang sino man ang may karapatang kitilin ito.”

Kabilang sa suportang patuloy na natatanggap ni Binay ang pagsasapubliko ng pinagkaisang mga grupo ng ‘Pro-Life Movement’ ng kanilang ‘endorsement’ hindi lang sa kanilang mga miyembro ngunit kabilang na ang bawat Katoliko na naniniwala sa kasagraduhan ng buhay.

Congressman Martin Romualdez

Ayon kay Eric Manalang, presidente ng Pro-Life Philippines naniniwala silang ang pageendorso kay Binay maging ang pagkapanalo nito ay nangangahulugang ang gobyerno ay pananatiliin ang pagprotekta sa pamilya laban sa aborsyon, pagiiwas sa hatol na kamatayan at iba pang pagpapahalaga sa didgnidad ng buhay.

Napapabilang din sa kanilang listahan na ieendorso na nagpapahalaga sa buhay na sina senador Gregorio B. Honasan II kandidatong bise-presidente ng UNA maging si senador Tito Sotto at Martin Romualdez. (Mark Sebastian)

You May Also Like