BINAY ININDORSO NG EL SHADDAI!

MANILA – Tinatayang aabot sa 3 hanggang 8 milyong miyembro ng El Shaddai ang nakaambang na boboto kay bise-presidente Jejomar Binay matapos isiwalat ng ilang miyembro na ang frontrunner sa pagka presidente ng partidong United Nationalist Alliance (UNA) ang napili ng grupo para iindorso sa darating na halalan.

Matapos ipahayag ng lider na si Mariano “Mike” Zuniega Velarde, kilala bilang brother Mike Velarde na kanilang inilabas nitong nakaraang martes ang listahan ng mga kandidatong iindorso nila. Muling umikot sa at nagpakalat ang mga miyembro ng El Shaddai Charismatic Renewal Movement ng “sample ballot” na nagpapatungkol kay Binay ,dating alkalde ng Makati, bilang presidente.
Umabot sa isang milyong pinagsanib na miyembro ng El Shaddai at Pro-Life Groups ang nagtipon sa Amvel compound sa Parañaque City nitong sabado ang nakinig kay Binay sa kabila ng kaliwat’ kanang pag-aakusa sa kanya ng pagnanakaw at kurapsyon.

Nakuha naman ng bise-presidente ang simpatya ng karamihan matapos nitong ipahayag ang kanyang posisyon hinggil sa dignidad ng buhay.

“..kumikilala, rumerespeto, at sumusunod sa Salita ng Diyos. Mas mahalaga ang pamumuno na gumagalang sa dignidad ng mga kababaihan. Pamumuno na magandang halimbawa para sa mga bata at hindi ipagyayabang ang pagpatay sa kapwa,” ani Binay.

Matatandaang noong Enero, una nang isiniwalat ni Mel Robles, presidente ng Buhay party-list na sumasailalim sa El Shaddai, na si Binay ang natatanging ‘pag-asa ng bansa tungo sa pagbabago.’
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Binay sa lider ng El Shaddai sa “pagkakataong magpahayag sa mga miyembro ng El Shaddai.”
Dagdag pa ng bise presidente, “lubos po ang aking pasasalamat sa ibat-ibang grupong Pro-Life, maging sa mga Katolikong laiko sa pagkilala sa aking maka-Kristyanong pananaw at sa kanilang buong suporta sa darating na halalan.” (Paul De Guzman)

You May Also Like