Binay, Binay Jr., Mukhang ‘Maaamong Tupa’

B

Ni: Joel O. Amongo

INAASAHANG magmumukhang maamong tupa ang mag-amang sina dating Bise-Presidente Jejomar “Jojo” Binay at dating Makati City Mayor Jejomar Erwin “Junjun” Binay Jr. kapag nagsimula na ang paglilitis sa sangkaterbang kasong kriminal na pareho nilang kinakaharap sa Sandiganbayan.

Napunta sa 3rd Division ng Sandiganbayan ang mga kaso ng mag-ama at ng mga kasama nila sa asunto, kabilang na ang mga representante ng dalawang kumpanya.

Ang hahawak ng mga kaso ay si Sandiganbayan Presiding Justice Amparo-Cabotaje-Tang.

Ang kaso ng mag-amang Binay ay may kinalaman sa P2.2 bilyong Makati Parking Building.

Sa pagsisimula ng paglilitis, inaasahang magmimistulang tupa ang dalawa at iba pang sangkot sa kaso, sapagkat tiyak na magiging mabait sila sa pagharap sa Sandiganbayan.

Si Binay at ang kanyang anak at mga dating opisyal ng Makati City government ay pawang mga astig dahil sa posisyong hinahawakan nila sa mga nakalipas na taon.

Kasama sa mga kaso ay sina:

 

 

1.dating city administrator Marjorie De Veyra;

  1. dating city legal officer Pio Kenneth Dasal;
  2. dating budget officer Lorenza Amores;
  3. dating city central planning management head Virginia Hernandez;
  4. dating city central planning management head Lina Dela Peña;
  5. dating BAC head Giovanni Condes;
  6. dating BAC vice chairman Ulysses Orienza;
  7. dating BAC Secretariat head Manolito Uyaco;
  8. dating BAC Technical Working Group chairman Rodel Nayve;
  9. dating city engineer Mario Badillo;
  10. dating city engineer Arnel Cadangan;
  11. dating city engineer Emerito Magat;
  12. dating city accountant Leonila Querijero;
  13. dating city aaccountant Cecilio Lim III;
  14. dating acting city accountant Raydes Pestaño;
  15. dating city treasurer Nelia Barlis;
  16. dating General Services Department officer Norman Flores.

Kinasuhan din sa krimeng katiwalian sina Orlando Mateo ng Mana Architecture and Interior Design, Co. (MANA) at Efren Canlas ng Hilmarc’s Construction Corporation.

Ang nakasama naman ng mag-amang Binay sa kasong malversation ay sina De Veyra, Dasal, Amores, Hernandez, Badillo, Querijero, Pestaño, Barlis, at  Lim at si Mateo ng Mana.

Kasama sa falsification cases ng matandang Binay ay sina De Veyra, Dasal, Amores, Condes, Flores, Nayve, Orienza at Badillo.

Nagpiyansa ang mga auksado upang magkaroon ng  pansamantala sila ng pansamantalang kalayaan.

Ang piyansa nila ay  P30,000 bail bond bawat isang kaso ng katiwalian, P24,000 bail para isang kaso ng falsification at P40,000 bail bond para naman sa kasong malversation.

Ayon sa Office of the Ombudsman, sina Jejomar at Junjun Binay ay nakipagsabwatan sa iba pang dating opisyal ng Makati City upang maigawad ang kontrata sa Mana Architecture and Interior Design, Co. (MANA) para sa una at ikalawang bahagi ng Makati City Hall Building II project nang “walang naganap na public bidding.”

Ayon pa rin sa Ombudsman, umabot sa P11,011,294.77 ang naibayad sa MANA “despite its failure to deliver the approved plans and specifications under the contract.”

Inilinaw naman ng Ombudsman na ang mag-amang Binay ay nakagawa rin ng kasong kriminal adahil ang construction stage ng proyekto ay iginawad sa Hilmarc’s Construction Corporation mula 2007 hangga 2011 ang tatlong kontratang nagkakahalaga sa P1.486 bilyon sa pamamagitan ng “simulated public bidding.”

Tinukoy din ng Ombudsman na ang kontratang ibinigay sa Hilmarc’s ay napunta rito nang hindi  pa dinedesisyunan ang pondong nakalaan, plano ng proyekto, at specifications nito.

Palsipikado rin daw ang “invitation to bid” ang sinasabing nailathala ang proyekto sa pahayang Balita.

Binanggit din sa report ng Office of the Ombudsman na inaprubahan ng mag-amang Binay ang paglabas ng bayad sa Hilmarc’s kahit alam nilang walang batayan at walang mga dokumentong sumusuporta at walang batayan na magpapatibay ng ulat ng nasabing kumpanya.

Kumbinsido si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na napakatibay ang mga ebidensya nilang isinumite sa Sandiganbayan.

Kaya, inaasahan nilang saa bandang huli ay makukulong ang mga Binay at mga kasapakat nila sa krimen.

You May Also Like