Bill laban sa late-term abortions, pinasa ng U.S. Congress

WASHINGTON, D.C., United States – Sa kabila ng matinding oposisyon ni U.S. President Barack Obama sa “Pain-Capable Unborn Child Protection Act” (H.R. 1797) ni Trent Franks pumasa ito sa House of Representatives noong Miyerkules.

Bumoto ang 228 na mambabatas ng U.S. upang ipasa ito; 196 naman ang tutol na ipagbawal ang aborsyon para sa mga babaeng 20 linggo nang nagdadalang-tao.

Matatandaang sa isang pahayag ng Administration Policy, tinawag ng pangulo na “isang banta sa karapatan ng mga kababaihan na pumili”at handa niyang ipawalang-bisa ang nasabing panukalang batas pumasa man ito sa Senado.

You May Also Like