Bigyan ng ‘affirming words’ ang mga bata, bawasan ang gadgets

MAKATI CITY – Ang kailangan ng mga bata – higit pa sa isang iPad – ay ‘words of affirmation’, ayon sa isang pari.

“Let’s learn from what God the Father did to Jesus. He affirmed His son and many of your children simply need affirmation. Let’s not resort to [giving] iPads or gadgets,” ani Fr. Renato de Guzman, SDB sa isang misa noong Kapistahan ng Bautismo ni Hesukristo.

Ayon sa isang pari, mas kailangan ng mga bata ngayon ang mga salitang magpapalakas ng loob mula sa kanilang mga magulang at hindi mga gadgets.
Ayon sa isang pari, mas kailangan ng mga bata ngayon ang mga salitang magpapalakas ng loob mula sa kanilang mga magulang at hindi mga gadgets.

Ayon kay Fr. De Guzman, ang bagong kura paroko ng St. John Bosco Parish, Makati City, ang Ebanghelo tungkol sa pagbinyag ni Juan kay Hesus at ang pagbigay-parangal ng Diyos Ama kay Hesus ay isang napapanahon na ehemplo na maaaring tularan ng mga magulang.

“It must have been a very affirming situation for Jesus to hear His Father say, ‘This is my beloved Son,’” dagdag pa ni Fr. De Guzman.

May kakaibang dating ang mga salitang nagpapalakas ng loob na galing sa mga magulang, ayon sa pari.
“Kids really wait for affirming words from their parents as the Father did to Jesus,” paliwanag ni Fr. De Guzman.
Dagdag pa nito, napakasaya ng Diyos Ama sa pagtanggap ni Hesus sa kanyang misyon na maghirap at mamatay sa krus para sa kaligtasan ng mundo kaya’t nasabi Niya, ‘This is my beloved Son in whom I am well pleased.’”

Makikita ang importansya ng bautismo ni Hesus, ani Fr. De Guzman, dahil binanggit ito ng apat na manunulat ng Ebanghelyo.

“You’ll be able to see if [an event] is authentic and historical if all four Gospel writers will report it,” paliwanag pa nito.

You May Also Like