‘Biased’ ang pagbabalita sa RH oral arguments – pari

LIPA, Batangas — Kung pagbabatayan ang nananaig na ‘di balanseng pagbabalita tungkol sa oral arguments sa Kataas-taasang Hukuman tungkol sa R.A. 10354, sa paningin marahil ng mambabasa, panalo na ang ang mga pro-RH, ayon sa isang pari.

news

“Kung puwede lang akong umiyak, iiyak po ako. Ang nakakalungkot, nakita ko kung paano prinesent ang RH Law [sa media], according sa mga nais maipasa ito,” ani Fr. Yulito Ignacio, isang propesor ng Sacred Theology sa San Carlos Seminary, Guadalupe sa isang emosyonal na pahayag kamakailan.

Pawang mga ‘half-truths’ o mga kalahating katotohanan ang lumalabas sa mga ulat sa telebisyon, mga pahayagan, maging sa Youtube, ayon kay Ignacio na dalawang linggo nang dumadalo sa RH Law oral arguments sa Kataas-taasang Hukuman.

“The following day sa diyaryo, ‘yung position ng tao na nais ipasa [ang RH Law ang naroon]. Hindi linagay ang objections ng seven Supreme Court justices,” paliwanag ni Ignacio tungkol sa kakulangan ng mainstream media na ipahayag ang mabibigat na pagtutol ng ilang hukom sa nasabing batas.

Magpapatuloy ang sesyon ng oral debates sa Agosto 27, Martes. [ND]

You May Also Like