Bello, Walang Aksyon sa ‘Endo’ sa Pamahalaan

 

kontraktuwalisasyonNi: Roy Bersales

 

TALAMAK din ang kontraktuwalisasyon, o “end of contract” (endo) sa pamahalaan, ngunit hindi ito binibigyan ng pansin ng Department of Labor and Employment (DOLE), nabatid ng TapatNews.com.

Sa sikretong pagtatanong sa ilang kawani ng pamahalaan, nadiskubre ng TapatNews.com na marami sa kanila ang hindi regular.

Halimbawa, sa pamahalaang lokal ng Quezon City, maraming kawani sa iba’t ibang departamento ang hindi regular ang trabaho, ngunit taun-taong nare-renew ang kontrata.

Nangangahulugang tuluy-tuloy ang trabaho, sabi ng lalaking empleyado na itago natin sa pangalang “Rolan.”

Pero, inamin ni Rolan na nasa P400 lang kada araw ang “rate” ng katulad niyang hindi regular.

Tapos, wala silang mga benepisyong natatanggap tulad ng natatanggap tuwing pasok, o bagong taon ng mga regular na empleyado.

Ang alam ni Rolan, marami silang mga kontraktuwal ang istatus.

Hnidi naiiba ang kalagayan ni Rolan, sapagkat maging sa pamahalaang lungsod ng Caloocan na pinamumunuan ni Mayor Oscar Malapitan ay napakarami ring hindi regular.

“Iyong iba po ay mga panahon pa ni Mayor [Enrico] Echiverri,” banggit ni “Rosalie” (hindi tunay na pangalan).

“Ganito naman ang kalakaran dito sa Caloocan kahit noong hindi pa si Malapitan,” banggit ni Rosalie.

Napag-alaman mula sa Public Information Office (PIO) na pinamumunuan ni Nolan Sison, na ibinibida ng administrasyon ni Malapitan ang mga trabahong inaalok sa taunang job fair kahit ang mga ito ay hindi aabot ng 6 na buwan.

Ang punto ng PIO ay nakapagbibigay ng trabaho ang administrasyon ni Malapitan, kahit na kontraktuwal at napakaliit ng sahod.

Sa Marikina City ay ganoon din ang sitwasyon.

Karamihan ng empleyado sa pamahalaang lokal ng Taguig ay kontraktuwal.

Ang pagiging kontraktuwal nila ay “co-terminus” kay Mayor Ma. Laarni Cayetano.

Ibig sabihin, kung hindi na alkalde ng Taguig City si Cayetano ay tapos na rin ng kontrata nila sa city hall.

Ganyan din naman ang nangyari sa panahon ni dating Mayor Freddie Tinga.

“Iyung mga tao ni Tinga na nagtatrabaho ay pinagtatanggal ni Cayetano dahil lamang sila ay tao ni Tinga,” tugon ni Buboy (hindi tunay na pangalan).

Sabi ni Wilson Fortaleza, taga-pagsalita ng Partido Manggagawa (PM), talamak talaga ang kontraktuwalisayon sa pamahalaan.

Idiniin ni Fortaleza na “public sector, dapat ang ehemplo ng regular na trabaho. Pero kung ito (kontratuwalisasyon) mismo ay ginawang regular na kalakaran, pabalat-bunga lang ang posisyon ng gubyerno sa endo (end of contract).”

Sabi dati ni Atty. Jose Sonny Matula, pangulo ng Federation of Free Workers (FFW), dapat nga walang hindi regular na kawani ang pamahalaan, sapagkat tahasang paglabag ito sa Saligang-Batas, partikular sa probisyon ng paggawa at panlipunang katarungan.

Paglabag din ito sa batas-paggawa ng bansa, ani Matula.

Idiniin ni Matula, ang pamahalaan ang siyang dapat nangunguna sa pagpapatupad ng mga batas, kabilang na iyong para sa mga kapakanan at ikabubuti ng mga kawani ng pamahalaan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like