Bello, Humingi ng Tulong sa Ombudsman laban kay Paulate

HINILING ng isang pastor at lingkod-bayan sa Office of the Ombudsman na kumilos ito upang maipatupad sa pinakamabilis na panahon ang pagpapatanggaal kay Quezon City Councilor Roderick Paulate.

Si Paulate, kabilang si dating Quezon City Rep. Francisco Calalay, ay pinagbawalan na ng Office of the Ombudsman na makahawak ng anumang puwesto sa pamahalaan dahil napatunayan silang “guilty” sa pagpapairal ng ghost employment system noong sila ay pawang mga konsehal ng Quezon City.

Lumabas ang nasabing desisyon noong Enero 21 ng taong kasalukuyan.

Ang kaso ay noon pang 2010.

 

 

Sa kanyang liham sa Office of the Ombudsman, idiniin ni Rick Bello na kailangang nang maipatupad ang desisyon ng Office of Ombudsman upang mabigyan ng hustisya ang mga residente ng Distrito 2 ng Quezon City at makaupo na ang kanilang tunay na representatibo sa Sangguniang Panglunsod.

Ayon kay Bello, labis-labis ang pambabastos ni Paulate sa desisyon ng Office of the Ombudsman, sapagkat hindi ipinatutupad ang desisyon ng nasabing ahensya ng pamahalaan.

Kaya, humingi ng tulong si Bello sa Office of the Ombudsman upang maipatupad ang desisyon ng naturang ahensiya ng pamahalaan.

Si Bello ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagkakonsehal ng Quezon City noong disyembre ng nakalipas na taon.

Noong Enero 26, limang araw matapos ilabas ang desisyon ng Office of the Ombudsman, hiniling ni Paulate sa Court of Appeals (CA) na maglabas ito ng Temporary Restraining Order (TRO) upang hindi maipatupad ang desisyon.

Umaasa si Paulate na maglalabas ng desisyon ng CA.

Ngunit hanggang matapos ang eleksyong Mayo 9 ay walang pasya ang CA.

Sa kabila nito, hindi umatras si Paulate.

Hindi rin siya pinagilan ni Mayor Herbert Bautista sa pagtakbo.

Katunayan, isinama pa ni Bautista sa Paulate sa tiket nito.

Ang dalawa ay matagal nag magkaibigan.

Sila ay dating komedyante sa pelikulang Pilipino.

Kaya, tila lumakas ang loob ni Paulate na ipagpatuloy ang kanyang desisyon hanggang siyaa ay nanumpa noong Hunyo 30, kasama ang 35 pang konsehal, si Mayor Bautista, at Bise-Alkalde Joy Belmonte.

 

Sa parehong liham, idiniin ni Bello na ayon sa alituntunin ng Office of the Ombudsman na inilabas noong Setyembre 15,2003 na nagsasabing “An appeal shall not stop the decision from being executory. In case the penalty is suspension or removal and the respondent wins such appeal, he shall be considered as having been under preventive suspension and shall be paid the salary and such other emoluments that he did not receive by reason of the suspension or removal.”

Inulit pa ni Bello na ang “decision of the Office of the Ombudsman in administrative cases shall be executed as a matter of course. The office of the Ombudsman shall ensure that the decision shall enforced and properly implemented.”

“The refusal or failure by any office without just cause to comply with an order of the Office of the Ombudsman to remove, suspend, demote, fine or censure shall be a ground for disciplinary actions said officer,” patuloy niya.

You May Also Like