Beach clean-up, paghahanda para sa Coral Triangle Day

BILANG paghahanda sa Coral Triangle ( CT ) Day sa Hunyo 9, magkakaroon ng mga aktibidad gaya ng paglilinis ng dalampasigan at pagtatanim ng mga bakawan sa Cebu.

Napili ang mga barangay ng Mactan, Ibo, Buaya at Punta Engaño sa Lapu-lapu City sa Cebu para sa paglinis ng mga dalampasigan.

Ang mga resorts at mga hotel sa lungsod tulad ng Crimson Resort and Spa, Shangri-la Mactan at Plantation Bay ay nakipagsosyo sa local non-profit organization na Ocean Care and bake shop chain na Arbee para sa nasabing proyekto.

Ang CT Day ay isang selebrasyong itinataguyod ang kahalagahan ng pag-iingat sa marine life at upang madagdagan ang kamalayan tungkol sa ​​marine biodiversity.

Mahigit 120 milyong tao ang dumedepende sa dagat na kanilang pinagkukunan ng pagkain at hanapbuhay.

Ang mga indibidwal, organisasyon at mga grupo na ipagdiriwang ang CT Day ay hinihikayat na i-post ang kanilang mga larawan o video sa www.thecoraltriangle.com/day.

You May Also Like