Bayarin ng mga OFW, bawasan – Cayetano

Tinatayang may 9.5 hanggang 12.2 milyong OFW na naninirahan at naghahanap-buhay sa iba’t ibang bansa sa mundo.
Tinatayang may 9.5 hanggang 12.2 milyong OFW na naninirahan at naghahanap-buhay sa iba’t ibang bansa sa mundo.

TINUTULAN ni senatorial candidate Alan Peter Cayetano ang mataas na singil na itinatakda ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa Overseas Employment Certificate (OEC) na kailangan ng mga Overseas Filipino Worker (OFW).

Nabatid na para sa first-time OFW, kinakailangang magbayad ng P6,120 para sa OEC, at sa returning OFW naman ay P2,417.

Sa pag-uusap nina Cayetano at POEA Administrator Hans Leo Cacdac, nagpaliwanag si Cacdac na ang fee na ito ay para sa mga pagbabago na ipinatutupad ng ahensya sa pagproseso ng mga dokumento ng mga OFW.

Gayunman, nais ni Cayetano na mabawasan ang singil sa OEC o ‘di kaya’y tuluyan nang alisin ang bayarin upang mabawasan naman ang pasanin ng mga OFW.

Napuna ni Cayetano ang mataas na singil para sa OEC sa kanyang surprise visit sa ahensya upang alamin ang pinagdadaanang proseso ng mga OFW sa pagkuha ng clearance para makapagtrabaho sa ibang bansa.

You May Also Like