Bawal maligo sa Manila Bay

Nananatiling kaaya-ayang pook libangan ang Manila Bay sa mga nais mag swimming tuwing tag-init.
Nananatiling kaaya-ayang pook libangan ang Manila Bay sa mga nais mag swimming tuwing tag-init.

NAGLABAS umano ng kautusan ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na mahigpit na nagbabawal sa paliligo ng sinuman sa Manila Bay lalo na nitong panahon ng tag-init tulad ng nakagawian ng ilan nating kababayan.

Ayon sa City ordinance 3827, ipinagbabawal na umano ang paliligo sa nasabing dagat dahil narin sa resulta ng pagsusuri ng Department of Health (DOH) na ang tubig rito ay maaaring kontaminado ng mikrobyo o kemikal at delikado para sa kalusugan ng publiko na maliligo sa lugar.

Sinabi naman ni Manila Mayor Alfredo Lim, hindi umano ligtas ang paliligo sa Manila Bay dahil maraming basurang naglulutangan sa tubig  na maaaring magdulot ng samu’t saring sakit sa balat at amoebiasis.

Samantala, patuloy umanong magbabantay ang puwersa ng kapulisan at ang mga kawani ng City Hall sa nasabing lugar upang mapigilan ang sinumang magbabalak na maligo sa naturang bay.

Magugunitang nagiging paboritong tambayan ang Manila Bay ng publiko upang magtampisaw at maligo upang maibsan ang sobrang init ng panahon dahil sa summer.
(PA)

You May Also Like