Batas para sa toxic waste, kailangan – solon

Ayon kay Rep Roger Mercado, chairman ng House Committee on Transportation at isa sa may akda ng House Bill 4812, kailangan ng bansa ang isang batas upang mapangalagaan ang kalusugan ng tao at ng kapaligiran mula sa mapanganib na radioactive wastes.

Dagdag pa nito, ang ipinanukalang ‘Philippine Hazardous and Radioactive Wastes Management Act’ ay naglalayong bumuo at ipatupad ang mga lokal na programa para sa comprehensive hazardous and radioactive waste management na nakatuon upang maiwasan ang polusyon at mapangalagaan ang mga likas na yaman.

Ang bill ay naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso noong Agosto 2011 ngunit  nananatiling nakabinbin sa Senado.

Nagpahayag ng pag-asa si Mercado na ang mga miyembro sa darating na ika-16 na  Kongreso ay bibigyang prayoridad ang pagsasabatas ng nasabing panukala. [Clarissol Reonal]

You May Also Like