Batas para protektahan ang mga bata at pamilyang Ruso, pinirmahan na

RUSSIA — Upang pangalagaan ang mga pamilya at mga bata, pinirmahan na ni Prime Minister Vladimir Putin ng Ruso ang batas na nagbabawal ng pagtataguyod ng homosekswalidad, kasal ng magkaparehong kasarian o same-sex “marriage,” at gay pride parades sa Russian Federation kamakailan.
Sa ilalim ng bagong batas ay ipinagbabawal ang pagbibigay sa mga bata ng literaturang nagtataguyod ng ‘di tradisyonal na konsepto at sekswal na pakikipag-relasyon, kasama ang pakikipagrelasyon ng magkaparehong kasarian.
Sa isang press conference sa Finland noong Hunyo, sinabi ni Putin na “Sa tingin ng ilang mga bansa ay ‘di kailangang bigyan ng proteksyon ang mga bata laban dito. Iba ang tingin namin.”

You May Also Like