Bata, naglikom ng pera para sa kaibigan

UNITED STATES — Isang pitong taong gulang na bata sa Amerika ang tumutulong ngayon sa kanyang kaklase sa pamamagitan ng paglikom ng 30,000 dolyar para makahanap ng gamot para sa kakaibang sakit ng kaibigan.

Kahit nasa grade one palang si Dylan Siegel, hindi ito naging sagabal sa paglilikom ng pera para sa pagsasaliksik ng lunas para sa kaibigan nito na si Jonah Pournazarian na naghihirap dahil sa kakaibang sakit sa atay na wala pang lunas na naiimbento.

Sinimulan ni Dylan na magsulat ng libro na pinamagatang Chocolate Bar at ipagkaloob ang kanyang mga nalikom sa mga mananaliksik nitong nakaraang tag-lagas.

Sa panayam naman kay Mr. Siegel, ama ni Dylan, sinisimulan na din trabahuin ng kanyang anak ang kanyang layunin na makapagpondo ng isang milyong dolyar.

Nagbigay din ng kanyang mungkahi si Mr. Siegel na gumawa nalang sila ng lemonade pero mas gusto talaga ng kanyang anak na magsulat ng libro para sa suportang gusto nitong ipaabot sa kaibigan.

Sa ngayon, ang Chocolate Bar ay nakalikom na ng mahigit 30,000 dolyar sa mga events, sales at mga donasyon mula sa Facebook at mula sa isang website na nakalaan para sa kanyang hangarin.

You May Also Like