Banyagang divers, tinulungan ng Coast Guard

DALAWANG Austrian Divers ang tinulungan ng mga tauhan ng Coast Guard Medical Team nang magdusa ang mga ito ng decompression sickness ilang oras matapos mag dive sa Puerto Prinsesa.

Ang mga biktima na nakilala bilang sina Astrid Schieffer, 49, at Wilfred Sagerer, 48, kasalukuyang nasa Palawan Adventist Hospital sa Puerto Princesa.

Si Schieffer, na may kasaysayan ng mga seizures, ay naka confine sa isang pribadong ward para sa karagdagang mga obserbasyon, habang si Sagerer naman ay ipinasok sa intensive Care Unit (ICU).

Ayon sa mga ulat, noong Abril 18, nagsagawa ng apat na magkakasunud-sunod na dives si Sagerer habang si Schieffer naman ay dalawang ulit na nag dive sa paligid ng Cavili Island.

Makalipas ang ilang oras, naobserbahan ang mga sintomas ng decompression sickness kay Schieffer habang si Sagerer ay nagpakita ng mga sintomas habang nakasakay pa lamang sa Coast Guard SARV-3503. [Clarissol Reonal]

You May Also Like