Bakit okey na okey ang natural pagdating sa kalusugan at sa buhay mag-asawa?

Napakagaling ng likas na kundisyon ng katawan ng tao – basta’t alagaang mabuti, ingatan ang uri at dami ng kinakain, bigyan ng sapat na ehersisyo at pahinga, iwasan ang anumang uri ng dumi o pollution, at makikita ang resulta sa iyong kalusugan.
Sayang naman kung sa kabila ng EFFORTS na panatilihing maganda ang kalusugan natin, sisirain natin dahil lang hindi tayo pamilyar sa mga masamang epekto ng mga kemikal na nasa mga tinatawag na birth control drugs o kontraseptibo – pills man o isinasaksak sa pamamagitan ng injection.

Sabi ni Dr. Rene Bullecer, isang manggagamot na higit sampung taon nang nagtuturo sa mga babae tungkol sa katawan at kung paano ito sinisira ng pills, na kailangang ipaalam sa mga babae hanggan’t maintindihan nila ang mga dulot ng paglagay ng mga di-kailangang kemikal sa katawan.
Bakit iinom pa ng artipisyal kung mayroon nang natural sa katawan?
“Palagi kong sinasabi sa kanila: ‘Mayroon ba kayong hormones sa katawan niyo? Mayroon ba kayong estrogen?’ Sagot nila, ‘Yes, sir.’ ‘Progestin, mayroon ba sa katawan ninyo?’ ‘Yes, sir.’ ‘So bakit pa kayo iinom ng mayroon na pala kayo sa katawan niyo? At artificial form pa ang linalagay ninyo sa katawan niyo – hindi tunay. Nagtatangka lang ang [synthetic hormones] na ito na gayahin ang natural na nasa katawan niyo,” kwento ng duktor.

Marahil ay hindi nasabi ng komadrona o ng barangay health worker sa mga kababaihan, “pero bilang isang duktor ng medisina, sinasabi ko sa iyo na ayon sa pagsasaliksik at sabi na rin ng International Agency for Research on Cancer (IARC) – na nasa ilalim ng World Health Organization (WHO) – noong July 2005, ang mga oral contraceptive pills, kasama ang Depo-Provera at IUD… ay Class 1 carcinogenic,” iginiit ni Bullecer.

Ang ibig sabihin ng Class 1 ay maaari itong magdulot ng kanser, tulad ng sigarilyo, paliwanag ng manggagamot.
“Ayaw natin ng basura, ng dumi sa mga ilog natin dahil nasisira ang kapaligiran ECOLOGY. Unang-una kailangan nating isipin ito – ang pinakamahalagang kapaligiran ay ang katawan ng babae, at ang number one na nakakarumi nito o pollutant ay ang mga artificial contraceptives,” dagdag pa niya.

Pagplano ng pamilya: hello natural, goodbye artificial
Kung akala mo ay kontraseptibo lang ang paraan ng pagpapaliban ng pagdadalantao, heto ang kasagutan: mayroong tinatawag na natural family planning o NFP. Safe dahil walang ginagamit na mga drugs o mga kasangakapan kaya’t walang side effects; libre, dahil walang bibilhing anuman, at nakakapag-yabong pa ng relasyon ng mag-asawa.

“Pinapayaman ng NFP ang komunikasyon at pagkakaintindihan ng mag-asawa,” ani Willy Jose na NFP trainor.

“Ang mga may NFP lifestyle ay mas may konsiderasyon sa kanya-kanyang equilibrium dahil pinag-uusapan nila madalas ang kalaguan o fertility at sinusubukang intindihin ang bawat isa. Ang pananaw ng mga gumagamit ng contraceptives hinggil sa kasal o pagsasama ng mag-asawa kadalasan ay simpleng pagtatalik lang – sa babae, na matapos na, at sa lalaki naman, isang pagnanasa na kailangang makuntento kung kalian man niya gusto,” paliwanag ni Jose, na Family and Life Ministry Vicariate Coordinator for the St. Joseph Vicariate under the Cubao Diocese.

Dahil ang buhay mag-asawa at lahat ng kasama dito – pagpapasya, pagpapalaki ng mga anak, pang-araw-araw na mga responsibilidad – ay isang partnership, mahalaga na si mister at si misis ay parehong mag-attend ng NFP seminars dahil ito’y pinagtutulungan, paalala ni Jose.

Saan pwedeng matuto tungkol sa Natural Family Planning?

John Paul II Natural Family Planning Center
San Carlos Pastoral Formation
San Carlos Formation Complex, EDSA, Makati City
Tel. No. 896-0607/
Mobile No. 0906-2129110
Email: familyandlifeministry@yahoo.com

St. Gerard Family Life Center
Nat’l Shrine of our Mother of Perpetual Help Redemptorist
Baclaran, Paranaque City
Tel. No. 851-5770

Pro-Life Philippines Foundation
San Lorenzo Ruiz Student Catholic Center
2486 Legarda St., Sampaloc, Manila
Tel. No. 733-7027/
Mobile Nos. 0919-2337783, 0932-8776593
Email: life@prolife.org.ph

Family and Life Ministry – Cubao Diocese

Coordinator: Bessie Rivera

Mobile No. 0922-8917896

Serve Life CDO
Unit 1, 2nd floor, Borromeo Bldg.
Daumar St., Cogon, Cagayan de Oro City
Mobile No. 0917-7022111
Email: servelifecdo@yahoo.com.ph

You May Also Like