Bakit ok sa mga kaliwa si Silvestro Bello 3rd?

MANILA – Hindi sagad-saring maka-manggagawa si Rep. Silvestro Bello III.

Ngunit, walang  tumutol o bumira kay President-elect Rodrigo Duterte nang inanunsiyo nito na si Bello ang papalit kay Rosalinda Dimapilis-Baldoz sa pagiging kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Tanggap si Bello ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Migrante International, at Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Ang DOLE ay isa sa apat na mga kagawaran ng administrasyong Duterte na inireserba sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Ngunit, binawi ito ni Duterte at ginawang tatlo.

Ang ibinigay sa CPP-NDF ay ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Bagamat hindi kabilang sa kaliwang puwersa, si Bello ay isa rin sa mga inerekominda ng NDPF  kay Duterte na maging bahagi ng papasok na administrasyon.

Bukod sa pagigiing kalihim ng DOLE, isinama rin ni Duterte si Bello sa grupo ng mga negosyador ng pamahalaan s amuling pakikipag-usap nito sa CPP-NDF.

Ito rin ang nagging trabaho niya sa administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Bello ay nagtapos ng abogasyasa Ateneo de Manila University.

Maraming beses na rin siyang nagging bahagi ng pamahalaan, kabilang na ang pagiging kongresista ng isang party-list group.

Si Bello ay nagging taga-pangulo ng Bayan sa Mindanao.

Ang Bayan ay koalisyon ng mga organisasyon mula sa iba’tibang sektor ng lipunang Pilipino na nakikibaka tungo sa pambansang demokratikong pagbabago.

Ang Bayan ay pinaniniwalaang may kaugnayan sa CPP-NDFP, ngunit hindi kalian man inamin ng pamunuan nito. (Tapat)

You May Also Like