Bahay ng biktima ng sinkhole, giniba na

UNITED STATES—Matapos magdesisyon na ihinto na ang paghahanap sa Amerikanong nawawala matapos higupin ang kanyang bahay ng isang malaking sinkhole tatlong araw na ang nakalilipas, giniba na ang kanyang bahay noong Linggo.

Sinabi ni Mike Merrill, ang Hillsborough County administrator na dahil sa hindi na nila mahanap ang bangkay ni Jeff Bush, kailangan na nilang itigil ang paghahanap sa kanya at gibain ang kanyang tahanan.

Lumitaw ang sinkhole noong Huwebes kung saan ay nawala si Jeff Bush at ang kanyang kapatid na si Jeremy Bush at apat na iba pa, kasama ang isang dalawang taong gulang na bata; ang mga ito ay hindi naman nasugatan.

You May Also Like