Bahagi ng Hacienda, Hindi pa Pala Naibigay sa mga Magsasaka?

 

Ni: Boy Celario

 

NANINDIGAN ang Department of Agrarian Reform (DAR) na nararapat at makatuwiran na isailalim ang 358.22 ektaryang lupa na bahagi ng Hacienda Luisita na maibigay sa mga magsasakang karapat-dapat na makinabang, ngunit hindi makumpirma at matiyak ng kagawaran kung naibigay na ang nasabing lupain.

Sec. RAFAEL MARIANO
Sec. RAFAEL MARIANO

Ang banggit lamang ni Atty. Enrique T. Sumogba Jr., officer-in-charge ng Agrarian Reform Bureau Legal Assistant Division–Bureau of Agrarian Legal Assistant (ARBLAD-BALA), sa TapatNews.com, ngunit ang hindi masigurado ni Sumogba kung totoong naipamahagi na ang 358.22 ektaryang lupain na pag-aari ng Tarlac Development Corp. (TADECO) na bahagi ng halos 5,000 ektarya ng Hacienda Luisita.

Matatandaang inanunsyo ng ni DAR Sec. Rafael Mariano na ipamahagi na ang naturang lupain sa mga magsasaka, sapagkat matagal nang isinailalim sa Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ang pag-anunsyo ni Mariano ay tila ‘bagyong’ dumagok sa TADECO at ‘pasko’ sa mga magsasaka.

Ang nasabing lupain ay hiwalay pa ang ibang bahagi ng Hacienda Luisita na kasalukuyang nakabinbin pa sa Korte Suprema.

Ang desisyon ni Mariano ay batay sa kahilingan ng Alyansa ng Manggagawang Bukid ng Asyenda Luisita (AMBALA) Incorporated.

Idiniin ni Sumogba na makatuwiran lamang ang hakbang ng DAR na isailalim sa repormang agraryo ang lupain ng TADECO, dahil ito ay isang lupang agrikultural at “hindi exempted” sa repormang agraryo.

Inilinaw pa ng opisyal na ang aksyon ng DAR na isailalim sa repormang agraryo ang lupain ng TADECO ay alinsunod sa CARP.

Ang Hacienda Luista ay pag-aari ng pamilya ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ang TADECO ang kumpanyang namamahala ng nasabing asyenda.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like